Dear Facebook,
Wag mo naman akong pahirapan. Alam kong matagal akong nawala sa piling mo, pero ngayong nagbabalik na ako, wag ka ng magpa hard to get. Pleeaaaaase?!?!!?!?
Ang dami mong ka ekekan na verification para mapatunayan na ako si Pia, eh ako nga to! Wala ng iba pa! Tapos ngayon may phone number ka pang hinihingi saken at magtetext ka ng code saken para lang ma-verify yung account ko.. Eh kanina pa ako naghihintay ng text mo pero wala pa rin! Wala pa rin!!!!
Help me.
Nagmamahal,
Piatot -dating user mo na nagbabalik
Madaling sabihing tanga ang isang tao pagdating sa pag ibig. Pero hindi mo rin kasi masasabi pag nandun ka na sa sitwasyon na yun. OO..mahirap hindi maging tanga, mahirap maging manhid, mahirap hindi maging bulag, kung talagang utakan ang labanan sa pagibig at kailangan mong gawin ang tama, masasaktan ka nga pero tandaan mo na dadating yung panahon na gagaling din yung mga sugat na yun at hindi mo na mararamdaman lahat ng yun. Mag iiwan man to ng peklat sa buhay mo, pero magsisilbi tong alaala na ginawa mo ang tama na maaring maka apekto sa buong buhay mo.
Food. Pagkain. Pagkain. Food.
Wala na akong naisip sa buong araw na to kundi ang kumain. Kanina pa ako nagccrave ng kung ano ano. Halo halo na yung mga nakain ko. Natatakot na lang ako na mamaya maya ay.. magtatae na ako. Excuse me.
:|
Gusto ko pa ng spaghetti with malalaking meatballs, lasagna with nalulunod sa cheese, burger at fries, mainit na pandesal, siomai na may toyo’t kalamansi na maraming sili, lugaw tokwat baboy.. hotdog na madaming cheese!!!!!!!!!
HAHAHAHAHA..
Putakteee!
Siguro kasi nitong mga nakaraang araw, hindi ako kumakain. Ewan ko ba. Wala ako sa mood. Ang panget kasi ng weather dito ngayon sa Guam. Nakakalungkot. Umiiyak na naman yung mga clouds ska nagtatago si Mr. Sun. Kaya ang dilim sa labas. Nakakalungkoooooot! Kaso ngayon, parang nireresbakan ako ng katawan ko! Gustong lumamon!
Oo, LAMON talaga. Hahahahaha..
Lagi kang magkakaroon ng parte sa buhay ko.
Hindi lang nga ngayon.
Hindi pa pwede ngayon.
Kasi ngayon, kailangan muna natin tanggapin yung katotohanan na hindi talaga tayo para sa isat isa.
Kasi ngayon, hindi pa natin tanggap lahat ng to. Kailangan lumipas pa yung mga panahon para mawala na tong nararamdaman natin sa isat isa. Uulitin ko.. Kailangan lumipas tong panahon na to. Walang nakakaalam kung kailan. Walang nakakakaalam kung gaano katagal. Pero alam ko dadating din tayo dun at aabangan ko yung panahon na yun.
Hirap noh?
Alam mong mahal mo sya, ramdam mo na mahal ka rin nya. Kaso wala ka namang karapatan na ipaglaban sya. Wala kang magawa kundi tanggapin mo na lang na talo ka at sumuko ka.
Hidden treasure. Closet Edition. :))
Naloka ako. Nakita namin sa closet ng uncle ko.
Note to Self
Pia,
Kailangan mong tandaan na hindi lahat ng guy-girl na magbestfriend ay magkakatuluyan sa huli. Tigilan mo na nga ang panunuod ng Marvin-Jolina movies at Kim-Gerald movies. Sa movies lang nangyayari yun. Okay? Sa movies lang!!
Eto yung hindi nakakaoffend na paraan para sabihing “mataba ako”.
Proud. Chubby na sexy. Hahahaha.. Ayaw patalo. :)


